Published Date: Fri Jun 06 2025
Last updated: Sat Jun 07 2025
Ang Event Loop ay isang mekanismong ginagamit ng JavaScript para ma-handle ang asynchronous code—yung mga code na hindi agad natatapos, tulad ng setTimeout
, fetch
, o mga Promises.
Sa madaling salita: Si Event Loop ang taga-balanse ng mga bagay-bagay para hindi mag-freeze ang browser habang may hinihintay ka (e.g. network request, delay, etc.).
Isipin mo nasa coffee shop ka.
setTimeout()
), move on ka agad sa next customer (next line of code).May 3 pangunahing bahagi:
Si Event Loop ay patuloy na nagche-check:
“Busy ba ang Call Stack? Kung hindi, kunin natin yung next callback sa Queue!”
console.log('Start');
setTimeout(() => {
console.log('Timeout');
}, 0);
console.log('End');
Output:
Start
End
Timeout
Bakit hindi “Timeout” agad?
Kasi yung setTimeout
ay pinasa sa Web API, tapos binalik lang sa queue AFTER ma-execute lahat ng nasa call stack. Kaya “End” muna bago “Timeout”.
Kung gusto mong maging mahusay sa JavaScript, lalo na sa paggamit ng Promises, async/await, at event listeners, kailangan mo maintindihan ang Event Loop.
Hindi sapat na gumagana lang ang code—dapat alam mo bakit ganun ang behavior niya.