Published Date: Fri Jun 06 2025
Last updated: Sat Jun 07 2025
Madalas mo bang naririnig yung salitang server pero di mo talaga gets kung ano ‘yon? Don’t worry, hindi lang ikaw. Kaya gumawa ako ng simpleng blog post para explain kung ano ba talaga ang server in the easiest way possible.
Ang server ay isang computer na nagbibigay ng services, data, o resources sa ibang computers—ang tawag doon ay clients.
Para mas madaling intindihin, isipin mo parang restaurant. Yung server (waiter) ang taga-hatid ng order mo. Sa tech world, ang server ang naghahatid ng website, apps, o files na hinihingi mo.
Maraming klase ng servers, pero eto yung mga pinaka-common:
Kapag nagbukas ka ng website (halimbawa: example.com
), yung browser mo ay magse-send ng request sa web server. Then, yung server magre-reply ng web page na ipapakita sa'yo. Mabilis lang ‘yan—parang snap!
Usually, ang mga servers ay naka-on 24/7 at naka-connect sa internet para always available.
Yes, pwede! Kahit sa bahay gamit ang lumang laptop or Raspberry Pi. Marami ngang tao ang nagse-set up ng sariling blog, media center, or home automation gamit lang personal server.
Kung gusto mo ng mas powerful, pwede ka mag-rent ng virtual server sa mga providers like DigitalOcean, Linode, o AWS.
Dapat secure ang mga server! Kasi posibleng ma-hack. Kaya importante ang firewalls, HTTPS, at regular updates. Hindi porket maliit ang server mo, okay lang pabayaan.
Lahat ng ginagawa natin online—browsing, streaming, chatting—may servers sa likod niyan. Kung gusto mong mas maging techie or magkaroon ng sariling website or app, magandang simula ang pag-intindi sa mga servers.